Off topic:YOLO

Napakalaking trahedya sa buhay ang kamatayan. Yung kahapon lang nagkita pa kayo, kanina lang magkasama pa kayo, kagabi lang magkatabi pa kayo matulog... pero sa isang iglap bigla na lang nawala.

Napaka iksi lang ng buhay. Kaya nga naimbento ang motto na "YOLO." Kasi, we only have one shot in life. Unless alam mo kung ano ka sa magiging second life mo at mababalikan mo rin yung mga dati mo nakasama, diba. Kaso hindi. Bukod sa iisa lang ang buhay, maiksi pa. Hindi mo alam kung hanggang kelan ka tatagal. Hindi mo alam baka isang araw, mawala ka na lang din bigla.

Sa pagpanaw ng kaibigan ko, dun ko narealize na dapat talaga itreasure ang buhay. And not just treasure it. Make the most out of your life and leave a lasting legacy that would remind them of you. How you made a change, an impact, an influence. Kasi hindi mo alam na baka hanggang mamaya ka na lang pala.

Naisip ko, kung may nakaaway sya, nakapag sorry kaya sya? O kung may minamahal sya, nakapag i love you kaya sya? Biglaan kasi. Biruin mo ba naman sumalpok sya sa jeep sakay ng motor nya, tumalsik sya sa gitna ng kalsada at dun dinaanan sya ng 10-wheeler truck. Pauwi lang sana sya galing sa trabaho. Tsk. Hindi mo talaga masabi ang buhay.

Iniisip ko nga, pag nawala ako, ano ang maalala ng mga tao sa akin? Sa eulogy ko, ano kaya ang sasabihin nila? May mga tao kayang manghihinayang na nawala ako; magdadalamhati sa pagkawala ko, o matutuwa kaya sila na sa wakas, wala na ako?

Kaya I always try to live a life with love and kindness. I never fail to express gratitude to my loved ones. I am not saying that I am living a perfect life for we all know that it's impossible. And this does not guarantee positive responses to my questions earlier. Pero sa mga maliliit na bagay na paggawa ng kabutihan, it's already making a positive change in someone else's life. And that's what we're called for- to bring a positive change.

Let us value the lives we're given. Alam ko hindi maiiwasan magkamali pero hanggat may buhay, laging may pagkakataon para magbago.

A man's day is numbered. May takdang bilang lang ang buhay natin. At hindi tayo pwedeng humirit ng "Take 2!" Hindi natin alam kung kelan tayo matatapos. Kaya bago pa mahuli ang lahat, gawin na natin ang tama... at ang dapat.

In memory of Josel Catamco. RIP, my friend.

Comments

Popular posts from this blog

Beginner's Guide to Hiking

Weekend Getaway 3: Mt. Sembrano and The National Mountain Cleanup Day

Midweek Activity: Loombands and Paracords