Off topic:YOLO

Napakalaking trahedya sa buhay ang kamatayan. Yung kahapon lang nagkita pa kayo, kanina lang magkasama pa kayo, kagabi lang magkatabi pa kayo matulog... pero sa isang iglap bigla na lang nawala. Napaka iksi lang ng buhay. Kaya nga naimbento ang motto na "YOLO." Kasi, we only have one shot in life. Unless alam mo kung ano ka sa magiging second life mo at mababalikan mo rin yung mga dati mo nakasama, diba. Kaso hindi. Bukod sa iisa lang ang buhay, maiksi pa. Hindi mo alam kung hanggang kelan ka tatagal. Hindi mo alam baka isang araw, mawala ka na lang din bigla. Sa pagpanaw ng kaibigan ko, dun ko narealize na dapat talaga itreasure ang buhay. And not just treasure it. Make the most out of your life and leave a lasting legacy that would remind them of you. How you made a change, an impact, an influence. Kasi hindi mo alam na baka hanggang mamaya ka na lang pala. Naisip ko, kung may nakaaway sya, nakapag sorry kaya sya? O kung may minamahal sya, nakapag i love you kaya sya?...